Thursday, September 17, 2009

Noli Me Tangere Reaction Paper

Pagsusuri sa Dulang Pinanood:
“Noli Me Tangere”

Noong ika 12 ng Setyembre 2009, iginanap ang teatrikong bersyon ng Noli Me Tangere sa St. Mary’s College of Meycauayan na ginanapan ng mga sikat ng artista. Bagamat alam nating maraming mga nobela ang naisulat ng ating pambansang bayani, ang Noli Me Tangere ay isa sa mga pinahahalagahan at natatanging nobela niya na patuloy na ginugunita nating mga Pilipino, mula sa utos ng DepEd, ang Noli Me tangere ay karaniwang pinagaaralan ng ikatlong baitang sa mataas na paraalan at sa kolehiyo. Unang nobela ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere.Nailathala ito noong 26 taong gulang pa lamang siya. Ano nga ba ang nilalaman ng Noli Me Tangere? At ano ang kaugnayan nito sa ating mga Pilipino?


Ang nobelang ito ay Makasaysayan at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Nagsimula ang storya kay Crisostomo Ibarra, na isang tagapagmana ng isang mayaman pamilya. Siya ay bumalik sa Pilipinas ng kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra , dahil si Don Rafael ay matagal nang hindi kumukuha ng kaniyang komunyon,idineklara ni Padre Damaso na wala nang bisa ang kaniyang pagiging katoliko, sa kabilang dako naman, nakita ni Crisostomo ay mabagal na pagunlad ng kanilang bayan, kanyang napagisipan na magtayo ng paaralan at maging guro sa kaniyang mga kababayan, lahat ng ito ay sa tulong ni Elias. Mula sa plano niyang ito, nabanggit ni tandang Tasyo na marami na ang naudlot na proyekto ukol sa pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinututulan ito ng mga prayle, lalong lalo na si Padre Salvi sapagkat siya ay nangangamba na ang paaralang ito ay maging banta sa kaniyang kapangyarihan sa kanilang bayan. Muntik pa ngang manganib ang buhay ni Ibarra nailigtas lamang siya ni Elias. Si Elias ay isang piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito, dahil sa mga makapangyarihang kaaway ni Ibarra, patuloy ang pagtugis sa kanya ng mga guardia civil.


Sa kabilang dako naman si Maria Clara , ang pagibig ni Ibarra, sa di inaasahang panahon ay nadagdag pa sa kamalasang nangyayari kay Ibarra ng naipagpalit nito ang sulat ni Crisostomo sa ibang sulat na naglahad ng kaniyang tunay na kulay. Samantala , kamuntikan naming mahuli ng mga guardia civil si Ibarra at si Elias nama’y may tama ng bala malapit sa isang sapa. Hiniling ni Elias na maraon ng kaniyang pagkamatay ay ilibing siya ni Basilio. Akala naman ng mga guardia cibil ay namatay na si Ibarra at nalunod sa sapa. Si Maria Clara naman, inakalang namatay na si Crisostomo Ibarra at sa kalungkutan at kasawian ay pumasok siya sa simbahan upang maging isang madre at hindi sinunud ang utos ni Padre Damaso napakasalan si Linares. Sa nobelang ito naging patok rin ang storya ni Sisa at ang kaniyang mga anak na Crispin at Basilio. Malungkot at kanilang naging kwento ng mabaliw si Sisa ng mawala sa kanyang piling ang kanyang 2 anak dulot saa kahirapan at paglalapastangan ng mga paring prayle sa kanila. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa kabundukann ng malaman ni Basilio na nabaliw ang kaniyang ina, hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat.


Sa ginawang panonood na ito, masasabi kong marami akong natutunan tungkol sa pagiging makabayan ng isang Pilipino bagkus laki siya sa ibang bansa at ang pag usad o paglago ng kasarinlan ng ating bansa at paano binigyang pansin ang kakulangan na nangingibabaw sa ating bayan. Ngayon ko naintindihan kung bakit naging curriculum ang Noli Me tangere at isa itong malaking must para saming mga estudyante sapagkat ito ang magmumulat samin sa realidad na nangyayari sa ating bansa. Sa kabilang banda, nais kong pasalamatan ang aking paaralan at guro sa Filipino sapagkat binigyan nila kami ng pagkakataong maging bukas sa mga gawa ni Rizal.

Mayroon isang parirala ang iniwan ng isa sa mga tauhan sa Noli ang umantig sa aking puso:

“Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan! Kayong makakakita, salubungin ninyo siya, at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi.”- ELIAS.

No comments: